Oil price hike ipatutupad ng mga kumpanya ng langis sa susunod na linggo

Sa halip na rollback gaya ng naunang anunsyo ng Department of Energy (DOE) ay dagdag-presyo ang ipatutupad ng mga kumpanya ng langis sa susunod na linggo.

Nag-abiso na ang kumpanyang Jetti Petroleum na inaasahan ang oil price hike, matapos ang ilang linggong sunod na rollback.

Sa pagtaya ng Jetti, sa presyo ng diesel maaring 15 centavos hanggang 20 centavos ang madagdag.

Habang sa presyo naman ng gasolina ay maaring 30 centavos hanggang 35 centavos ang madagdag.

Maari pang mabago ang ang estimated na dagdag-presyo depende sa magiging resulta ng trading ngayong araw.

Read more...