Gunman nag-sorry sa pamilya Batocabe, sinabing napag-utusan lamang siya

INQUIRER SOUTHERN LUZON PHOTO | Rey Anthony Ostria

Humingi ng tawad sa pamilya Batocabe ang gunman na si Henry Yuson.

Si Yuson ay iniharap sa media ni Philippine National Police chief, Dir. Gen. Oscar Albayalde sa press conference sa Camarines Sur.

Ayon kay Yuson, nais niyang humingi ng tawad sa pamilya ni AKO Bicol Party-list Rep. Rodel Batocabe at sinabing siya ay “napag-utusan lamang ni Mayor Baldo”.

Tinutukoy nito si Daraga Mayor Carlwyn Baldo PNP presents suspect and gunman Henry Yuson.

Ibinunyag din ni Yuson na nagka-trayduran sa kanilang grupo matapos na niya matanggap ang pangakong bayad.

Tinukoy ni Yuson si Christopher Naval alyas “Tuping” na kahit Piso aniya ay hindi siya binayaran.

Ibinunyag pa ni Yuson na nais ni Mayor Baldo na manatiling nakaupong mayor sa Daraga.

Nangako pa nga aniya sa kanila si Baldo na magtutuluy-tuloy ang kanilang kabuhayan habang siya ay nasa pwesto.

Sinabi naman ni Albayalde na ang onsehan sa bayaran ang dahilan kaya nagsalita at sumuko ang mga suspek.

Read more...