Ito’y sa pamamagitan ng paglalathala ng pangalan ng mga umano’y recuiter ng ISIS at ang pagsasara ng mahigit sa 5,500 mga Twitter account na ginagamit umano ng Islamic State sa kanilang propaganda.
Kabilang umano sa listahan ang limang pangalan na nakatira sa mga bansang Afghanistan, Tunisia at Somalia. Isa rin umanong ‘high ranking’ recruiter ng ISIS na nakatira sa Europe ang tinukoy ng mga cyber hackers.
Sa kasalukuyan, tinitipon na ng cyber hack group ang mas malawak na listahan ng mga account sa Twitter at web page na ginagamit ng ISIS na kanilang sasalakayin bilang bahagi ng mas malawak na kampanya kontra terorismo sa mga susunod na araw.
Una nang nang nagdeklara ng giyera ang grupo ng ‘Anonymous’ sa pamamagitan ng isang video na nagdedeklara ng gyera kontra sa ISIS matapos ang pag-atake ng mga terorista sa Paris, France kamakailan.