14 Pinoy, iniulat na nasawi sa aksidente sa Saudi

al ahsa saudi Arabia
Mula sa Google Maps

Nasa 14 mga Pilipinong OFW ang napaulat na nasawi matapos masangkot sa aksidente ang kanilang sinasakyang coaster sa Al-ahsa province sa eastern region ng Kingdom of Saudi Arabia, Martes ng hapon.

Batay sa ulat, pauwi na sana ang mga Pinoy na mga manggagawa ng isang engineering contracting company sa kanilang dormitory nang mabangga ng trak ang kanilang sinasakyan.

Bukod sa mga namatay, nasa 13 katao ang nasugatan sa trahedya aksidente na kinabibilangan ng 12 Pinoy at ang driver na Pakistani.

Ginagamot na ang mga sugatang biktima sa King Fahd Hospital sa Riyadh.

Wala pa namang kumpirmasyon sa panig ng Department of Foreign Affairs kaugnay sa naturang aksidenteng kinasaangkutan ng mga OFW./ Jay Dones

Read more...