Isa pang supsek sa Batocabe killing sumuko

Photo: Rey Anthony Ostria – Inquirer Southern Luzon

Isa pang suspek sa pagpatay kay AKO Bicol Party-list Rep. Rodel Batocabe ang sumuko sa mga otoridad.

Sa kaniyang press briefing sa Camarines Sur sinabi ni PNP chief, Dir. Gen. Oscar Albayalde na kusang nagtungo sa mga otoridad ang suspek na si Jaywin Babor, Biyernes ng umaga.

Si Babor ang isa sa mga nagmaneho ng motorsiklong kabilang sa ginamit bilang getaway vehicle ng mga suspek na pumatay kay Batocabe at sa police escort nito.

Kaninang umaga inanunsyo rin ng PNP ang pagsuko ng isa sa gunmen na si Henry Yuson.

Si Yuson ay rebel returnee at mayroong standing warrant of arrest para sa kasong rape.

Read more...