Yellow warning itinaas ng PAGASA sa Northern Cebu

Nagpalabas ng heavy rainfall warning ang PAGASA sa Northern Cebu dahil sa nararanasang tuluy-tuloy na malakas na buhos ng ulan.

Sa abiso ng PAGASA na inilabas ala 1:51 ng hapon, ang nararanasang pag-ulan ay dahil sa tail end ng cold front.

Yellow warning ang itinaas ng PAGASA sa Northern Cebu.

Ayon sa PAGASA maaring makaranas ng pagbaha sa mga mabababang lugar at pagguho ng lupa sa mga bulubunduking lugar.

Read more...