Traffic division ng Mandaluyong nagpalabas ng abiso sa pagsasara ng Estrella-Pantaleon Bridge

Nagpalabas na ng traffic advisory ang traffic bureau ng Mandaluyong City para sa nakatakdang pagsasara ng Estrella-Pantaleon Bridge simula sa January 12.

Sa abiso ng Traffic Enforcement Division (TED) ng City Traffic & Parking Management Department ng Mandaluyong, inaabisuhan ang lahat ng mga motorista na galing sa lungsod at patungong Makati na maghanap ng alternatibong ruta.

Nagbigay din ng opsyon ang ahensya para sa mga rutang maaring gamitin ng mga motorista.

Ayon sa abiso, ang mga sasakyan na galing Mandaluyong at patungo ng Makati area ay maaring lumabas na lamang sa EDSA at doon na dumaan.

Ipinaalala din ng traffic bureau na 30 buwan ang itatagal ng total closure sa Estrella-Pantaleon Bridge na nagdudugtong sa Rockwell, Makati at Barangka Drive sa Mandaluyong.

Read more...