Ticket sa episode ng American morning talk show kung saan magiging guest si Catriona Gray, sold-out na

Sold-out na ang ticket para sa episode ng American morning talk show na “Live with Kelly and Ryan” kung saan magiging guest si Miss Universe 2018 Catriona Gray.

Ang guesting ng Miss Universe sa nasabing talk show ay magaganap sa January 7, oras sa Amerika.

Ito ang magiging unang TV appearance ni Gray para sa taong 2019 matapos manalo bilang Miss Universe.

Host ng naturang American talk show ang American actress, dancer at producer na si Kelly Ripa at si Ryan Seacrest.

 

Read more...