Nagdaos ng special en banc session ang Korte Suprema para sa retirement ceremony handog kay Associate Justice Noel Tijam.
Magreretiro si Tijam bukas, January 5, na kaniyang ika-70 kaarawan.
Sa seremonya na dinaluhan ng mga mahistrado ng Korte Suprema at mga empleyado, binigyang pagkilala at parangal si Tijam.
Kabilang sa mga token na ipinagkaloob sa kaniya sa nasabing seremonya ay ang Supreme Court flag, Philippine flag, SC seal, Judicial robe, brass shingle, SC ring, SC pen, timepiece, at Book of Decisions.
Pinagkalooban din siya ng “Chief Justice Jose Abad Santos Award”, “Statuette of Judicial Excellence’ at Plaque of Recognition.
MOST READ
LATEST STORIES