Binay ayaw madamay sa kahihiyan

binay
File photo, Kuha ni Erwin Aguilon

Umiwas lamang daw si Vice President Jejomar Binay sa kahihiyan na posibleng idulot ng pagtatwa sa kanya ni Pangulong Noynoy Aquino bilang “successor” kaya nagbitiw sa gabinete.

Ito ang tingin ni ACT Partlist Rep. Antonio Tinio, na nagsabi pang dumidistansya na ngayon si Binay kay P-noy dahil alam nitong hindi sya ang babasbasan para sa 2016 Presidential Elections lalo’t may nakaambang plunder case laban sa kanya.

“VP Binay blinked first. By resigning from the Cabinet, he is clearly distancing himself from President Aquino.”

Ani pa ni Tinio, imposible ang pangarap ni Binay na i-eendorso siya ni Presidente Aquino bilang standard bearer ng administrasyon, dahil malinaw naman ng taga-Liberal Party ang pipiliin.

“VP Binay has preempted the embarassment of being repudiated as the President’s annointed successor in favor of someone else.”

Sa panig naman ni Ako Bicol PL Rep. Rodel Batocabe, kung tutuusin ay long overdue na ang pagbibitiw sa gabinete ni Binay dahil matagal na siyang hindi kumportable sa posisyon.

Bukod dito, mahirap aniya para kay Binay na makasama ang mga taong wala nang tiwala sa kanya, dahil ang tingin sa kanya ay kalaban sa politika./ Isa Avendaño-Umali

Read more...