Ipatutupad na seguridad para sa Traslacion 2019, kasado na – NCRPO

Inquirer photo
Tiniyak ng Manila Police Distrct at ng NCRPO ang pagpapatupad ng mahigpit na seguridad sa kabuuan ng traslacion ng itim na Nazareno sa January 9.

Sa presscon sa simbahan ng Quiapo, inanunsyo ni NCRPO Dir. Guillermo Eleazar, ang pagpapakalat ng 7,200 pulis sa mga rutang daraanan ng traslacion sa susunod na linggo.

Sa kasagsagan ng aktibidad, magsisilbing ground commander sa MPD Dir. Vicente Danao, kung saan 2,200 Pulisna tauhan ng MPD ang idedeploy at 5,000 iba pang pulis mula sa apat pang distrito sa Metro Manila ang magsisilbing augmentation force.

Sinabi ni Eleazar na sa 6.1-kilometrong ruta ng traslacion mula Quirino Grandstand hanggang sa simbahan ng Quiapo ay magkakaroon ng 10-segments na pupwestuhan ng mga segment commanders.

Magpapatupad ng no-fly zone, no-sail zone at no-signal zone sa ruta ng Poong Nazareno.

Lilimitahin din ang pagpapalipad ng mga drones sa traslacion.

Nilinaw naman ni Eleazar na walang direktang banta sa araw ng traslacion subalit hindi anya magiging kampante ang PNP para tiyaking magiging payapa ang kabuuan ng pagtitipon.

Read more...