Mga pantalan sa Cebu naghigpit din ng seguridad kasunod ng African Swine Fever outbreak sa ibang bansa

CDN File Photo

Mahigpit din na binabantayan ang mga pantalan sa Cebu para maiwasan ang pagpasok ng mga kontaminadong meat products galing China at ilang European countries na apektado ng African Swine Fever.

Ayon kay BOC-Cebu Operations Division Chief Reynaldo Leyson, agad nilang iaalerto ang assessment and customs police division sa sandaling may mapagalaman na may paparating na pork products na galing China, Belgium, Hungary, Latvia, Poland, Romania, Russia at Ukraine.

Umiiral ang ban sa pagpasok sa bansa ng nasabing produkto mula sa nabanggit na mga bansa dahil sa nararanasang outbreak ng ASF disease.

Tiniyak naman ni Cebu City Veterinarian Dr. Alice Utlang na nananatiling ligtas kainin ang mga mabibiling karne ng baboy.

Bihira aniyang mag-import ng karne ng baboy ang Cebu City. At maliit na bahagi lang ng imported na karne ng baboy ang ibinebenta sa lungsod.

Karamihan dito ay galing Canada, France, U.S. at New Zealand.

Kasabay nito inabisuhan ni Utlang ang mga mamimili na suriin ding mabuti ang mabibili nilang karne at tiyaking sariwa ang mga ito.

Read more...