Ilang U.S. Marines hinarang sa NAIA dahil sa dalang mga bala

Inquirer file photo

Isang grupo ng U.S. Marines ang hinarang sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) dahil sa dala nilang mga bala.

Hindi pinayagang makasakay sa kanilang flight ang mga sundalo sa NAIA terminal 3 patungong Japan.

Nakuha kasi sa kanilang bagahe ang tinatayang nasa 60 piraso ng live bullets, 14 na empty magazines para sa M16 rifles, at 1 empty magazines ng 9mm.

Na-detect ang mga ito sa unang bahagi pa lamang ng screening.

Galing Mindanao ang mga sundalo at pasakay sana sa Delta Airlines patungong Tokyo, alas 9:55 ng umaga.

Ayon sa mga tauhan ng Office of Transportation Security, kinumpiska ang mga bala dahil hindi ito idineklara ng mga sundalo.

 

Read more...