Sa panayam kay Andaya matapos ang pagdinig sa Naga City, sinabi nitong may karapatan si Diokno na sagutin ang mga isyu ngunit matibay na umano ang mga dokumento at testimonyang nakalap nila.
Ito aniya ay maaaring maging daan para mismong ang Ombudsman na ang kumilos o magsampa ng kaso laban kay Diokno.
Magre-request umano sila ng special fraud audit mula sa Commission on Audit para mapagtibay na may mga kontrata para sa flood control projects na inaaprubahan nang hindi man lang binabasa.
Iginiit rin ni Andaya na maaaring mapanagot ang may-ari ng CT Leoncio Construction dahil sa nangyaring iregularidad bagama’t naniniwala siyang wala talaga itong kinalaman sa mga transaksyon at nagamit lang.