Klase at pasok sa gobyerno sa Maynila suspendido sa Jan. 9

Walang pasok sa lungsod ng Maynila sa January 9, 2019.

Ayon kay Atty. Ericson Alcovendaz, city administrator, sinuspinde ni Mayor Joseph Estrada ang klase sa sa lahat ng antas sa and public at private sa nasabing petsa na kapistahan ng Black Nazarene.

Suspendido rin ang pasok sa Manila City Hall kaya wala munang transaksyon na tatanggapin para sa Jan. 9.

Pero ayon kay Alcovenzaz, hindi sakop ng suspensyon ang mga tauhan sa mga departamentong may direktang kaugnayan magaganap na Traslacion.

Ipinauubaya naman ng City hall sa mga pribadong kumpanya at iba pang government agency na nasa Maynila kung magsususpinde rin ng pasok sa araw ng traslacion.

Samantala, Idinagdag pa ni Alcovendaz na magkakaroon din ng anti-rabbies vaccination sa mga alagang aso ng mga residenteng nakatira sa mga rutang daraanan ng traslacion ng Poong Nazareno.

Read more...