Dating mayor sa Parang, Maguindanao at kapatid, patay sa shootout

Nasawi ang isang dating mayor sa baya ng Parang sa Maguindanao at kaniyang kapatid matpaos mauwi sa shootout ang operasyon ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) laban sa dalawa sa Cotabato City.

Ayon kay PDEA-ARMM director Juvenal Azurin, sisilbihan sana nila ng search warrants sina dating Parang Mayor Talib Abo Sr. at kapatid na si Bobby Abo pero nanlaban ang mga ito sa mga otoridad.

Siyam na search warrants ang bitbit ng mga otoridad para halughugin ang mga bahay ng magkapatid na Abo sa Barangay Rosary Heights 7, Rosary Heights 6, at Bagua Mother.

Nakuha naman sa bahagi ng mga Abo ang matataas na kalibre ng baril, mga ilegal na droga, granada at mga bala.

Read more...