Pasado alas-singko ng hapon dumating si Canadian Prime Minister Justin Trudeau na sinalubong nina Agriculture Sec. Proceso Alcala at Canadian Ambassador to the Philippines Neil Reeder.
Ang Pilipinas ang pangalawang bansa na binisita ni Trudeau sa linggong ito kung saan ay dumalo rin siya sa G20 Summit sa Turkey.
Ilang minuto makaraang dumating si Trudeau ay lumapag naman sa NAIA Terminal 1 ang eroplanong sinasakyan ni Thailand Prime Minister Prayut Chan-o-Cha.
Unang bumisita sa bansa ang Thai Minister noong Agosto kung saan dalawang araw siya nanatili sa Maynila.
7:30pm naman ay dumating sa NAIA Terminal 2 na si Sultan Hassanal Bolkiah ng Brunei.
Si Bolkiah ang longest-reigning Sultan ng kanilang bansa na kinoronahan noong 1967 matapos ang voluntary abdication ng kanyang ama.
Pasado alas-otso naman ng gabi ng lumapag sa NAIA Terminal 1 ang eroplanong sinasakyan nina Indonesian Vice-President Jusuf Kalla at Trade Minister Thomas Trikasih Lembong bilang kinatawan ni President Joko Widodo.