Ito ay makaraang malanghap umano ng naturang bata ang salt fish o patis habang nagluluto ang kaniyang lola ng pagkain para sa pagsalubong sa Bagong Taon.
Sa isang panayam nagsalita ang ina ng bata na si Jody Pottingr para maging aware na rin ang iba pang magulang sa sinapit ng kaniyang anak.
Ayon sa ina, inatake ng asthma at nakaranas ng sever allergic reaction sa isda ang kaniyang anak nang maamoy nito ang patis.
Bigla na lang umanong nahirapang huminga ang bata kaya agad nila itong pinausukan gamit ang nebulizer.
Isinugod pa sa ospital ang bata pero nasawi din.
Kingdergaten ang bata nang unang ma-diagnose na allergic sa isda.
Kaugnay nito, nagbabala ang American College of Allergy, Asthma & Immunology sa mga taong may allergy sa isda na umiwas sa mga lugar na may nilulutong isda.
Ang proteins kasi na galing dito ay maaring sumama sa hangin habang ito ay niluluto na kapag nalanghap ay makaaapekto sa taong allergic dito.