Bilang ng mga bumiyaheng pasahero sa mga pantalan nabawasan na

Port of Tagbilaran City | MARINA PHOTO

Bumaba na ang bilang ng mga pasaherong nagsisiuwian matapos magdiwang ng Pasko at Bagong Taon.

Sa datos ng Philippine Coast Guard simula alas 12:00 ng madaling araw hanggang alas 6:00 ng umaga ng Jan. 4 umabot na lang sa 28,848 ang bilang ng mga pasaherong bumiyahe sa mga pantalan sa bansa.

Kabilang sa nakapagtala ng mga bumiyaheng pasahero ang mga pantalan sa sumusunod na lugar:

South Eastern Mindanao – 9,444;
Central Visayas – 4,516;
Western Visayas – 3,611;
Eastern Visayas – 2,915;
Northern Mindanao – 2,348;
Southern Tagalog – 2,417;
Bicol – 2,316
Southern Visayas – 1,281

Kahapon mula alas 6:00 ng umaga hanggang alas 12:00 ng tanghali ay umabot sa 103,050 na mga pasahero ang naitala ng coast guard sa iba’t ibang mga pantalan.

Read more...