PUBLIC SERVICE: Scheduled power interruption ng Meralco ngayong araw, Jan. 4

Mawawalan ng suplay ng kuryente ngayong araw ang bahagi ng San Jose Del Monte City sa lalawigan ng Bulacan.

Sa abiso ng Meralco mula alas 10:00 ng umaga hanggang alas 3:00 ng hapon ang power interruption sa Barangay Minuyan Proper.

Sinabi ng Meralco na ito ay dahil sa kanilang line reconductoring work at paglalagay ng dagdag na lightning protection sa Minuyan Proper sa San Jose Del Monte City, Bulacan.

Read more...