3 patay, 2 sugatan sa pamamaril sa Basilan

Tatlo ang patay at dalawa ang sugatan sa insidente ng pamamaril sa Basilan.

Naganap ang pamamaril sa Hadji Muhtamad kung saan nasawi sina Nasta Sahibad, kaniyang bayaw na si Basal at kaanak na si Arab.

Nasugatan naman ang mister ni Nasta na si Deo at ang biyenang si FArisiya.

Kapwa sila dinala sa Zamboanga City para doon malapatan ng lunas sa ospital.

Ayon kay Hadji Muhtamad Mayor Jamar Mansul, pawang miyembro ng civilian volunteers ang bumaril sa mga biktima.

Isang alyas Albani ang sinasabing kabilang sa mga suspek na dating kagawad ng barangay sa lugar.

Sa inisyal na imbestigasyon, naghihinala kasi ang grupo ni Albani na ang mga biktima ang nasa likod ng radio jamming sa lugar.

Pinatutugis na ang mga salarin sa naturang krimen.

Read more...