Jimmy Alapag excited na para sa pagiging coach ng San Miguel

Masaya si Alab Pilipinas head coach Jimmy Alapag na mapasama sa coaching staff ng San Miguel Beermen.

Nagpapasalamat si Alapag sa oportunidad na binigay sa kanya upang maging coach ng koponan.

Aniya, handa siyang ibahagi ang lahat ng kanyang nalalaman upang makatulong sa pagpapaganda pa ng gameplay ng Beermen.

Bukod kay Alapag, mayroon pang nadagdag sa koponan at ito naman si Terrence Romeo.

Sa pagsama sa koponan ni Romeo, inaasahan na magiging mas matapang ang lineup, lalo na’t makasama niya ang tatlo pang magagaling na player ng koponan na sina Alex Cabagnot, Chris Ross, at June Mar Fajardo.

Mula 2014 hanggang 2018, naiuwi ng San Miguel ang anim na mga basketball titles.

Read more...