Meteor shower magaganap ngayong weekend

AFP

Isang astronomical phenomenon ang dapat antabayanan ng mga Pinoy ngayong weekend.

Ito ay dahil magaganap ang taunang Quadrantid meteor shower simula ngayong madaling araw hanggang sa Lunes, January 7.

Ayon sa PAGASA, asahan ang nasa 40 ‘shooting stars’ kada oras sa kalangitan.

Dagdag ng PAGASA, mapapanood ang mga meteor mula hatingggabi hanggang madaling araw.

Samantala, isa pang phenomenon ang magandang pagmasdan kapag madilim na ang kalangita. Ito ang conjunction ng Mercury, Venus, at Jupiter ngayong Enero.

Mas malapit din ngayon ang Venus sa timog ng crescent moon.

Mapapansin din sa kalangitan, partikular sa kanluran-hilagangkanlurang horizon ang mga planetang Mars, Uranus, at Neptune.

Read more...