Surigao del Norte niyanig ng magnitude 3.2 na lindol

Tumama ang isang magnitude 3.2 na lindol sa bayan ng Burgos sa Surigao del Norte, madaling araw ng Biyernes.

Batay sa abiso na inilabas ng PHIVOLCS, naganap ang lindol kaninang alas-2:42 ng madaling araw.

Naitala ang episentro ng pagyanig sa layong 71 kilometro hilagang-silangan ng Burgos, o sa dagat na sakop ng lugar.

May lalim itong 10 kilometro at tectonic ang pinagmulan.

Walang naitalang intensities ang pagyanig at wala rin itong inaasahang idudulot na pagkasira sa mga ari-arian o aftershocks.

Read more...