Pangulong Duterte bibisitahin ang mga biktima ng #BagyongUsman

OCD photos

Pupunta si Pangulong Rodrigo Duterte ngayong araw ng Biyernes sa mga lugar na sinalanta ng bagyong Usman.

Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, bibisitahin ng pangulo ang Bicol Region kabilang ang lalawigan ng Camarines Sur para malaman kung ano ang kailangan ng mga residente roon.

Sa kabila naman ng mataas na death toll at maraming naapektuhan, sinabi ni Panelo na tila walang pagkukulang sa panig ng gobyerno kaugnay ng paghahanda sa bagyo.

Pero binanggit ng kalihim ang ilang problema gaya ng pagkawala ng kuryente gaya sa bayan ng Sagñay kaya hindi aniya nakarating agad ang mensahe ukol sa preparasyon sa bagyong Usman.

Read more...