Pananalasa ng baha sa Bicol region isinisi kay Diokno

Photo: Erwin Aguilon

Naga City—Naniniwala si House Majority Leader Rolando Andaya Jr. na dapat pananagutan ni Department of Budget and Management Sec. Benjamin Diokno ang nangyaring malawakang pagbaha sa sa Bicol Region matapos manalasa ang Bagyong Usman.

Sa pagdinig ng House Committee on Rules dito Naga City, sinabi ni Andaya na ibinuhos ni Sec. Diokno ang mga flood control projects sa mga lugar sa Bicolandia na hindi naman ito kailangan tulad ng lalawigan ng Sorsogon.

Mula sa P75 Billion na sinasabing isiningit ng DBM sa 2019 national budget, P14.5 Billion ay inilaan sa mga less-prioritized at flood-free areas.

Sa katunayan ayon kay Andaya sa unang tatlong taon ng panunungkulan ni Diokno nasa P332 Billion pesos ang alokasyon sa mga lugar na hindi kailangan ng flood mitigation projects.

Hindi rin anya sinunod ng DBM ang proper guidelines and procedures pati na sa pagdetermina ng flood-prone areas.

Read more...