Non-stop flights sa New Delhi ibabalik ng PAL

PAL photo

Muling bubuhayin ng Philippine Airlines (PAL) ang kanilang Manila-New Delhi direct flights.

Nakatakda ang relaunch ng PAL sa nasabing ruta sa buwan ng Marso ng kasalukuyang taon.

Nauna dito ay sinabi ng CAPA-Center for Aviation na umabot sa 107,000 ang mga Indian visitors sa bansa sa nakalipas na taon.

Higit na mas malaki ang nasabing bilang kumpara noong 2013 nang itigil ng PAL ang direct flight sa New Delhi.

Sinabi pa ng CAPA na pinag-aaralan na rin ng PAL ang pagbuhay sa rutang Manila-Mumbai na posible ring ianunsyo sa taong kasalukuyan.

Pero ito ay ibabase sa magiging pagtanggap ng mga pasahero sa Manila-New Delhi flights.

Sa hiwalay na pahayag ay sinabi ng PAL na kanilang sisimulan sa March 31 ang four-times a week non-stop flights sa nasabing lungsod sa India.

Read more...