Sison tinawag ng Malacañang na ilusyunado sa planong oust Duterte

Minaliit lamang ng Malacañang ang pahayag ni Communist Party of the Philippines (CPP) founding Chairman Jose Maria Sison na gagawin nilang prayoridad ngayong taon ang pagpapatalsik kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na nananaginip ng gising ang lider ng komunistang grupo.

Paano raw nilang magagawa ang kanilang pangarap samantalang limang dekada na silang sumasablay sa ambisyon na masungkit ang pamamahala sa bansa.

Ayon kay Panelo, “It’s about time that he realizes that fact, that 50 years of rebellion has not bore any fruits in so far as the intention of the rebellion that he has launched is concerned.”

Tinawag rin ng kalihim na ilusyunado si Sison kaugnay sa kanyang target na Duterte ouster move.

Imbes na makipag-usap sa grupo ni Sison, sinabi ni Panelo na tuloy ang pakikipag-usap ng pamahalaan sa mga miyembro ng komunistang grupo.

Mas epektibo ayon sa kalihim ang pakikipag-usap sa mga NPA members na dumaranas ng kahirapan sa bundok kumpara sa lider nila na nagpapasarap lamang sa ibang bansa.

Nauna dito ay sinabi ni Sison na bukas sila sa panunumbalik ng peace talk pero tuloy ang kanilang mga opensiba para mapabagsak ang administrasyong Duterte.

Read more...