Kamara nagpasaklolo sa AMLC kaugnay sa insertion sa 2019 budget

Photo: Erwin Aguilon

Hiniling ng Kamara sa Anti-Money Laundering Council (AMLC) ang tulong sa kanilang isinasagawang imbestigasyon may kinalaman sa kinukuwestyong mga proyekto.

Ayon kay House Majority Leader Rolando Andaya Jr., hihingan nila ng tulong ang AMLC upang masuri ang lahat ng bank transactions ng CT Leoncio Construction and Trading at ang sinasabing sub-contractor nito na Aremar Construction.

Ito ay kasunod ng nakuhang dokumento ni Andaya na nagdeposit ng mahigit P11 Million cash ang CT Leoncio sa Aremar Construction.

Ibinulgar pa ng mambabatas na ang CT Leoncio lamang ang sumasali sa bidding at kapag na-award na ang proyekto ay saka ito ipapasa sa Aremar.

Lumabas pa sa pagdinig na mayroong limang proyekto na nakuha ang CT Leoncio na sabay-sabay na ginagawa pero iisa ang engineer at foreman.

Mayroon din anyang proyekto na iisa ang backhoe sa limang sabay-sabay na proyekto sa Bicol pero nasa Bulacan pa ito.

 

Read more...