Sa pagsisimula ng pagdinig sinabi ni House Majority Leader Rolando Andaya Jr. na ipinatawag ng kanyang komite ang mga resource person upang malaman ang mga mali sa ginagawang practice ng DBM.
Iginiit din nito na hindi sina Pangulong Rodrigo Duterte at DPWH Sec. Mark Villar ang nasa likod ng budget insertion.
Sa kanyang opening statement ipinakita nito ang mga datos na maraming mga proyekto tulad ng flood control project ang napunta sa lugar na hindi naman ito kailangan.
Sa loob anya ng tatlong taon na si Diokno ang budget secretary aabot na sa P332B ang ginagamit para sa mga flood control projects.
Present naman sa pagdinig ang may-ari ng CT Leoncio Construction Trading na si Consolacion Leoncio na sinasabing nakakuha ng multi-milyong pisong mga proyekto.