Panibagong aftershock naitala sa Governor Generoso, Davao Oriental

Matapos ang magnitude 7.2 na lindol na tumama sa Davao Oriental noong Sabado nakararanas pa rin ng aftershocks sa nasabing lugar.

Alas 10:17 ng umaga kanina (Jan. 3) nakapagtala ang Phivolcs ng magnitude 3.0 na pagyanig sa Governor Generoso.

May lalim itong 19 kilometers at tectonic ang origin.

Ayon sa Phivolcs, naitala ang epicenter ng lindol sa 179 kilometers ng Governor Generoso.

Sinabi ng Phivolcs na ang naturang pagyanig ay aftershock pa rin ng malakas na lindol sa naturang lugar na tumama noong Sabado ng umaga.

Read more...