6 na mga tulay sa Isabela hindi pa rin madaanan

Anim na tulay ang nananatiling hindi madaanan sa lalawigan ng Isabela dahil sa pag-apaw ng tubig.

Ayon sa abiso ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council ng Isabela, nananatiling not passable dahil sa pag-apaw ng tubig sa ilog ang sumusunod na mga tulay:

1. Sto. Tomas Bridge sa Cansan
2. Sta Maria Bridge
3. Alicaocao Bridge sa Cauayan
4. Annafunan Bridge sa Echague

Hindi pa rin madaanan ang Baculud Bridge sa Cauayan City at Turod Banquero Bridge sa Reina Mercedes dahil nasira naman ang dalawang tulay.

Ang iba pang mga tulay sa mga bayan sa Isabela ay passable naman na sa lahat ng uri ng sasakyan.

Read more...