Daryl Dragon ng “Captain & Tennille” pumanaw na

Pumanaw na sa ead na 76 si Daryl Dragon ng popular na 70s duo na “The Captain & Tennille”.

Ang pagpanaw ni Dragon na siyang tinaguriang ‘captain’ ay kinumpirma ng kaniyang publicist na si Harlan Boll.

Ayon kay Boll, rena failure ang ikinasawi ni Dragon na pumanaw sa Prescott, Arizona.

Sa pahayag naman ni Toni Tennille, tinawag niyang ‘brilliant musician’ si Dragon at marami aniya ang nagmamahal dito.

Tanyag ang duo sa mga kantang “Muskrat Love”, Do That to Me One More Time at “Love Will Keep Us Together”.

Nagsimulang magkatrabaho si Dragon at Tennile noong 1971 nang kunin ni Tennille si Dragon bilang pianista para sa isang musical.

Taong 1975 nang sila ay ikasal isang taon matapos silang lumagda sa kontrata sa A&M Records.

Pero taong 2013 sila ay naghiwalay at naging pinal ito noong 2014 sa pamamagitan ng divorce.

Sa kabila ng paghihiwalay nanatiling mabuting magkaibigan ang dalawa.

Read more...