Kim Kardashian at Kanye West, may ika-apat na baby

IG photo

Inaasahan ang ika-apat na baby ng mag-asawang Kim Kardashian at Kanye West.

Ayon sa ulat, buntis ang surrogate ni Kim at inaasahang manganganak ito sa buwan ng Mayo.

Ang huling anak ng dalawa na si Chicago ay ipinanganak noong Enero sa pamamagitan din ng surrogate mother.

Noon pa umano nais ng dalawa na magkaroon ng ika-apat na baby pero ipinagpaliban ito dahil sa kalusugan ni Kanye.

Kinailangan na dumaan sa surrogacy si Kim matapos ang ikalawa niyang baby makaraan na ring payuhan ng doktor na magiging delikado sa kanyang kalusugan ang susunod nitong pagbubuntis.

Read more...