Miss Universe Catriona Gray umalis na patungong New York

Nakaalis na ng bansa si Miss Universe 2018 Catriona Gray para magtungo sa U.S at pormal na gampanan ang tungkulin.

Sa kaniyang post sa Instagram ibinahagi ni Catriona ang larawan nang siya ay paalis kagabi papuntang New York.

Dito sa Pilipinas nakapagdiwang ng holiday season si Catriona kasama ang kaniyang pamilya.

Ayon kay Cat, medyo kinakabahan siya sa mararanasang lamig ng winter sa New York.

Pero humingi pa ito ng rekomendasyon sa kaniyang IG followers hinggil sa mga pasyalan at kainan doon.

Read more...