Mas matagal na government shutdown ibinabala ni Trump; national parks, museums kabilang sa bagong ipinasara

AP

Nagbabala si U.S. President Donald Trump na maaring magtagal pa ang ipinatutupad na government partial shutdown.

Naninindigan si Trump sa demand nitong bilyun-bilyong dolyar na pondo para sa border wall sa Mexico.

National security aniya ang pinag-uusapan kaya dapat ibigay na ng kongreso ang $5.6B na pondo para border.

Sa cabinet meeting sa ika-12 araw ng partial shutdown, sinabi ni Trump na maaring tumagal pa ang pag-iral ng pagsasara ng ilang sangay ng gobyerno.

Kabilang sa mga pinakabagong apektado ng government shutdown ay ang mga national parks at museum.

Sa Washington, 17 museums ang isinara gayundin ang National Zoo dahil sa kawalan na ng emergency fund.

Read more...