Australia naglabas ng travel advisory sa Central at Western Mindanao

AP Photo – Rainier Canoso

Sinabihan ng Australia ang mga mamamayan nito na huwag bumiyahe sa Central at Western Mindanao kabilang ang Zamboanga at Sulu.

Naglabas ang Australia ng travel advisory sa Pilipinas kasunod ng pagpapasabog sa isang mall sa Cotabato City noong bisperas ng bagong taon.

Sa kanilang updated travel advisory, pinayuhan din ng Australia ang kanilang mga mamamayan na irekunsidera ang pangangailangan na pumunta sa Eastern Mindanao.

Pinag-iingat din ang mga Australian citizens kapag bibiyahe sa buong Pilipinas.

Pangalawa na ang Australia sa naglabas ng travel advisory sunod sa United Kingdom matapos ang Cotabato mall bombing.

Read more...