Pambalot ng lumpia laman ng naiwang kahon sa Quezon City

QCPD Station 7

Natagpuan ng mga pulis ang isang abandunadong kahon sa Aurora Boulevard footbridge sa Cubao, Quezon City.

Sa panayam ng INQUIRER.NET kay Quezon City Police District (QCPD) Station 7 Cubao station commander, Superintendent Giovanni Caliao, sinabi nito na nag-iikot sa lugar ang mga operatiba ng Explosive Ordnance Disposal ng QCPD nang matagpuan ang naturang kahon.

Pagbukas ng kahon ay doon natagpuan ang mga pambalot ng lumpia at plastic bag na naglalaman ng green peas.

Ani Caliao, hindi maituturing na bomb scare ang naturang insidente.

Paliwanag nito, hindi naman ikinaalarma ng publiko ang naturang kahon na agad narespundihan ng mga pulis.

Read more...