Lalaking hinihinalang biktima ng summary execution natagpuan sa Maynila

Inquirer file photo

Natagpuan ang bangkay ng isang lalaking hinihinalang biktima ng summary execution sa Road 10 Smokey Mountain sa Tondo, Maynila.

Nakabalot ng packaging tape ang ulo ng lalaki, at nakagapos din ng packaging tape ang kanyang mga kamay at paa.

Bukod sa pagkakagapos ay pinaniniwalaang binugbog ang lalaki batay sa mga pasa at sugat sa katawan nito.

Hinala ng mga otoridad, hindi doon pinaslang ang lalaki at itinapon lamang sa lugar upang iligaw ang imbestigasyon.

Nakuha mula sa lalaki ang dalawang plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu.

Sa ngayon ay patuloy ang pagsisiyasat ng mga otoridad tungkol sa insidente, partikular ang pag-alam sa pagkakakilanlan ng biktima.

Read more...