VIRAL: Before and after pictures ni Miss Universe Venezuela

Dr. Froilan Paez

Viral ngayon sa social media ang before and after pictures ni Miss Universe 2018 second runner-up Sthefany Gutierrez mula sa Venezuela.

Ito ay matapos i-post ng plastic surgeon na si Dr. Froilan Paez ang mga litrato sa kanyang personal Instagram profile.

Proud na ibinahagi ng naturang doktor ang iba’t ibang mga procedures na kanyang ginawa para sa beauty queen.

Katunayan, sa caption ng post ay ginamit nito ang iba’t ibang mga hashtags tulad ng #rhinoplasty, #otoplasty, #mentoplasty, at iba pa na pawang mga cosmetic procedures para sa ilong, tainga, at baba.

Hindi naman ikinaila ni Sthefany ang mga litrato.

Sa comments section ng naturang post ay nagpasalamat si Miss Universe Venezuela sa serbisyong ibinigay ng naturang doktor para sa kanya at tinawag itong ‘excellent work.’

Read more...