Nagbabala ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa mga motorista sa mabigat na daloy ng trapiko na mararanasan ngayong araw.
Ito ay dahil sa inaasahang pagbabalik sa Metro Manila ng mga lumuwas sa probinsya matapos ang mahabang holiday break.
Ayon kay MMDA traffic head for EDSA Bong Nebrija, balik-normal na ang trapiko sa EDSA ngayong araw.
Nagbabala si Nebrija sa mga commuters at motorista sa inaahasang matinding trapiko sa Balintawak, Quezon City, Magallanes, Makati at maging sa iba pang entry at exit points.
Magiging mabigat na rin anya ang daloy ng trapiko sa Cubao dahil dito nakalagay ang ilang mga bus terminals.
Tiniyak naman ng MMDA official na magdaragdag sila ng personnel para magmando sa daloy ng trapiko.
MOST READ
LATEST STORIES