Caritas Manila nananawagan ng donasyon para sa mga biktima ng Bagyong Usman

Nananawagan ang Caritas Manila ng donasyon para sa libu-libong nasalanta ng Bagyong Usman.

Ang Caritas Manila ay ang social action arm ng Archdiocese of Manila.

Sa national level, ipinahayag ng Caritas Philippines ang kahandaan na gamitin ang Solidarity Fund at Alay Kapwa para ibigay ang tulong sa mga nasalanta ng bagyo.

Kailangan lamang na matapos ang isinasagawang preliminary assessment ng kanilang mga diocesan social action centers.

Batay sa situation report na inilabas, nakapaghanda na ng relief goods ang Archdiocese of Caceres sa Camarines Sur.

Nagsagawa na rin ng initial assessment ang Diocese of Legazpi sa mga apektadong lugar habang ang Diocese of Libmanan at Diocese of Sorsogon ay hinihinatay na lamang na makumpleto ang mga ulat.

Ang mga nais magbigay ng donasyon sa Caritas Manila ay maaaring magdeposito sa mga sumusunod na bank accounts:

Peso Bank Accounts:
Account Name: Caritas Manila Inc.
BPI S/A: 3063 5357 01
BDO S/A: 5600 45905
METROBANK S/A: 175-3-17506954-3
UNIONBANK C/A: 00-030-00122705
PNB C/A: 10-856-660001-7

Dollar Accounts:
BPI S/A: 3064-0033-55
(SWIFT CODE: BOPIPHMM)
PNB S/A: 10-856-660002-5
(SWIFT CODE: PNBMPHMM)

Read more...