DFA: Walang Pilipinong nadamay sa pagsabog sa isang apartment building sa Russia

Inanunisyo ng Department of Foreign Affairs (DFA) na walang Pilipinong nadamay sa pagsabog na naganap sa Magnitogorsk, Russia.

Naganap ang pagsabog sa isang high-rise apartment building sa naturang lungsod kung saan nasa 14 katao ang namatay.

Habang nasa 30 katao naman ang naiulat na nawawala kasunod ng insidente.

Ayon sa DFA, ang lahat sampung Pilipino na nasa lugar ay ligtas.

Nagpahatid na din ng pakikiramay si Philippine Ambassador to Russia Carlos Sorreta pamilya ng mga namatayan.

Itinuturong dahilan ng naganap na pagsabog ay ang pagkakaroon ng gas leak.

Read more...