Ayon kay PNP Spokeperson Chief Supt. Benigno Durana Jr., wala siyang gaanong detalye sa ibang impormasyon ng imbestigasyon kundi ang paglutang ng ilang testigo.
Postibo anya ang takbo ng imbestigasyon at malapit nang mag-anunsyo ang pulisya ng development sa kaso.
Lahat anya ng mga testigo at kanilang mga testimonya ay magbibigay liwanag sa kaso.
Pwede umanong magresulta ang mga ito sa positibong lead na magtuturo sa mga pumatay kabilang ang utak ng krimen.
Pero sa ngayon ay sinabi ni Durana na hindi niya alam kung lumalabas sa imbestigasyon na may halong pulitika ang pagpatay kay Batocabe.
Una nang sinabi ni PNP chief Director General Oscar Albayalde na pulitika ang tinitingnang motibo sa pagpatay sa kongresista.