Pahayag ito ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo kasabay ng depensa sa pinakahuling patutsada ng Pangulo laban sa Simbahang Katolika nang tawagin nitong kalokohan ang doktrina ng Trinity o 3 persona ng Diyos.
Ayon kay Panelo, dapat ay welcome sa Simbahan at mga mananampalataya ang mga batikos ng Pangulo bilang proseso na lalong magpapalakas ng paniniwala o maliwanagan sa katotohanan.
Katwiran ng Kalihim, inaalam lamang ng Pangulo ang validity ng mga ritwal ng Simbahan kabilang ang paniniwala sa iba’t ibang persona ng Diyos.
Ang pahayag ng Malakanyang ay kasunod ng sinabi ni Duterte sa Kidapawan City noong December 29 na iisa lamang ang Diyos at kalokohan umano na hatiin sa 3 ang Panginoon.