NCRPO: Bilang ng mga krimen sa Metro Manila, bumaba

Bumaba ng 21% ang bilang ng mga krimen sa Metro Manila noong 2018 kumpara noong 2017 ayon sa National Capital Region Police Office (NCRPO).

Ayon kay NCRPO chief Director Guillermo Eleazar, kumpara noong 2017, nabawasan ng 27% ang crimes against persons; 17% ang crimes against property at 52% ang kaso ng murder.

Mula sa 1,542 na murder cases noong 2017, nasa 738 na lamang ang naitala noong nakaraang taon.

Nasa 53% naman ang ibinaba ng krimen na ginawa ng riding in tandem kung saan ang 853 cases noong 2017 ay bumaba sa 400 cases noong 2018.

Ayon kay Eleazar, sa 30-month period ng administrasyong Duterte, nasa 54% ang reduction rate kumpara sa unang 30 buwan ng nakalipas na administrasyon.

Inireport pa ni Eleazar na bumaba ang index crime rate sa Metro Manila kung saan mula sa 12 crimes every month per 100,000 population noong 2017 ay naging 9 na lang ang average na krimen kada buwan noong 2018.

Sinabi ni Eleazar na ang pangunahing dahilan sa pagbaba ng crime rate ay ang kampanya laban sa illegal na droga dahil may kaugnayan dito ang halos lahat ng naitalang krimen.

“Big improvement” anya ang 2018 mula 2017 at umaasa ang pulisya na patuloy na bababa ang bilang ng krimen sa Metro Manila ngayong taon.

Read more...