Travel advisory ng UK sa Mindanao, SOP lang – PNP

AP Photo

Itinuring ng Philippine National Police (PNP) na standard operationg procedure sa international community ang travel advisory ng United Kingdom sa Mindanao.

Ayon kay PNP Spokesperson Chief Supt. Benigno Durana Jr., SOP lamang ang abiso ng UK para sa proteksyon ng kanilang mga mamamayan.

Pahayag ito ni Durana matapos magpayo ang UK Foreign and Commonwealth Office na iwasan ng kanilang mga mamamayan a bumiyahe sa Western at Central Mindanao at sa Sulu Archipelago kasunod ng pagsabog sa isang mall sa Cotabato City.

Ang travel advisory ay dahil umano sa terrorist activity at sagupaan ng militar at mga rebelde sa rehiyon.

Pinayuhan din ng UK ang mga British nationals na huwag pumunta sa natitirang bahagi ng Mindano, liban sa Camiguin, Dinagat at Siargao Islands at sa Timog bahagi ng lalawigan ng Cebu kabilang ang munisipalidad ng Dalaguete at Badian.

Pero sinabi ni Durana na maski ibang bansa ay mayroon ding travel advisories kapag may terrorist attack o anumang insidente na maglalagay sa kanilang mga mamamayan sa panganib.

Sa panig anya ng pulisya, balik normal na sa Cotabato City at kontrolado ng PNP at Armed Forces of the Philippines (AFP) ang sitwasyon sa lugar.

Una nang sinabi ng otoridad na tinitingnan nilang anggulo sa pagpapasabog ang posibleng papel ng local terrorist groups na may kaugnayan sa Islamic State of Iraq and Syria o ISIS.

Read more...