Klase sa lahat ng antas sa Naga City sa Jan. 7 na ang balik

Suspendido na rin sa ang klase sa Naga City para sa natitirang mga araw ngayong linggo.

Ayon kay Naga City Mayor John bongat, marami suspendido ang klase sa lahat ng antas, public at private sa lungsod at mag-reresume ang klase sa January 7 na araw ng Lunes.

Ani Bongat marami pang eskwelahan at mga barangay sa lungsod ang kailangan pang linisin matapos ang pinsala ng bagyong Usman.

Sa mga barangay ng Mabolo, Sabang, Triangulo at Tabuco, mayroon pang pagbaha matapos umapaw ang mga ilog sa Bicol at Naga.

Nasa ilalim na rin ng state of calamity ang Naga City.

Read more...