Mahigit 7,000 pulis ang itatalaga ng National Capital Region Police Office (NCRPO) para sa kapistahan ng Black Nazarene sa January 9.
Ayon kay NCRPO chief Dir. Gen. Guillermo Eleazar, 7,100 na mga pulis ang ipakakalat para sa nasabing aktibidad na taun-taon ay dinarayo ng milyon-milyong katao.
Sa nasabing bilang, mahigit 2,000 ang mula sa Manila Police District (MPD) at 5,000 ang mula sa ibang districts at sa regional mobile force battalion.
Tiniyak ng NCRPO sa publiko na handa ang mga otoridad para sa ipatutupad na seguridad kung saan inaasahang aabot sa 2.5 na milyong deboto ang makikilahok.
Magpapalabas din ng traffic advisories ng mas maaga upang maabisuhan ang mga motorista.
Pinag-aaralan pa sa ngayon ng NCRPO kung magpapatupad ng shut down sa mobile phone signals.
Pero tiyak na ayon kay Eleazar na magpapatupad ng “no fly zone” at “no sail zone”.