Tone-toneladang basura ibabalik na sa South Korea sa January 9

Photo: Ecowaste Coalition
Sa January 9, 2019 itinakda ng Bureau of Customs (BOC) ang pagbabalik sa South Korea ng tone-toneladang mga basura na ilegal na ipinasok sa bansa at ngayon ay nasa Misamis Oriental.

Ayon sa BOC, nagkasundo na ang gobyerno ng Pilipinas at South Korea na sa Jan. 9 ibabalik sa Pyeongtaek City ang mga smuggled na 51 containers na naglalaman ng mga basura.

Sa ngayon sinabi ni Mindanao International Container Terminal port collector John Simon, inaasiakso na ang lahat ng regulatory requirements para sa pagbiyahe sa mga basura.

Noong November 2018 nang matuklasan ng customs ang nasabing mga container na naglalaman pala ng 1,200 tons ng basura.

Dumating sa MICT port ang nasabing mga kargamento noong Oct. 21.

Misdeclared ang shipment na naka-consigne sa Verde Soco Philippines na siya ring consignee ng mga basura galing South Korea at dumating sa Tagoloan, Misamis Oriental noong July 21.

Read more...